Pansamantalang pinull – out sa battle ground ang mga tauhan ng AFP o Armed Forces of the Philippines na nasa likod ng airstrike na tumama sa sampung (10) sundalo sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Restituto Padilla, ito ay upang bigyang daan ang imbestigasyon na gagawin sa pangyayari.
Aniya, mahalaga ring maisalilalim sa debriefing at counselling ang mga sundalo nasa likod ng naturang friendly fire.
Sa kabila nito, naniniwala si Padilla na hindi dapat na maging dahilan ang pangyayari para ititigil ang airstrike upang tuluyang mapulbos ang Maute Group.
By Rianne Briones