Dapat na ring sampahan ng kaso ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa mga smuggler.
Ito ang panawagan ni Samahang Industriya sa Agrikultura o SINAG Chairman Rosendo So kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos madiskubre ang 130 million pesos na halaga ng smuggled na sibuyas sa Manila International Container Port.
Bahagi ng pahayag ni SINAG Chairman Rosendo So
Ayon kay So, hindi malayong magpasaklolo sila sa Department of Agriculture lalo’t agricultural products ang ipinuslit ng Sanfred Trading at Great Light Trading papasok ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni SINAG Chairman Roseno So
By Drew Nacino