Pansamantalang kinordon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) – Station 9 ang isang kalsada sa Malate, Maynila kagabi matapos matagpuan sa isang nakaparadang jeep ang isang kahina-hinalang bag.
Ayon sa otoridad, kwento ng ilang pasahero isang lalaki na may dalang manok at isa pang bag ang bumaba sa bahagi ng Pedro Gil St. ang nakaiwan ng bag.
Anila, nagdulot ng takot sa mga residente ng Malate ang nasabing bag na posibleng bunsod na rin ng sunod-sunod na pagpapasabog sa ilang lugar sa Mindanao.
Pero nang buksan ng mga pulis ang bag, tanging mga gamit panabong gaya ng tari ang tumambad sa kanila.
Agad namang inalis ang kordon sa nasabing lugar nang matiyak ng pulisya na wala namang nakaambang panganib.