Tatanggap ng 5,000 monthly allowance ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) mula sa Manila City LGUs.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Maynila, inaasikaso na ng city administration ang lahat ng kakailanganing dokumento para agad na mailabas ang monthly allowance allotment ng MPD Police ngayong linggo.
Sa pahayag ni Manila City Mayor Honey Lacuna, nakikipag-ugnayan na siya sa iba pang mga ahensya at nakatutok din ang Manila LGUs sa mga regular stakeholder para matulungan at masuportahan ang mga adhikain ng lungsod.
Umaasa naman ang alkalde na masusuportahan ng mga manilenyo ang ibat-ibang programa para sa pagkakaisa at pagpapaganda ng Maynila.