Bilang na ang araw ng lahat ng mga opisyal, kawani at mga tauhan ng New Bilibid Prisons o NBP sa Muntinlupa City
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito’y dahil sa nakakasa nang balasahan sa National Penitentiary at hinihintay na lamang ang appointment ng bagong direktor ng Bureau of Corrections
Pansamantala rin aniyang tatanggalin ang mga jailguards at mga empleyado para isailalim sa re-training at re-education
Sa ngayon, may mga paghahanda na ang DOJ para sa take over ng PNP Special Action Force bilang pansamantalang magbabantay sa mga nakakulong na drug lord sa Bilibid
By: Jaymark Dagala