Mananatili sa posisyon ang mga mga tauhan ng Public Attorney’s Office kahit pa umupo na sa Malacañang si President-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay PAO Chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, may batas na nilagdaan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007 na nagsasaad na hindi basta tatanggalin ang mga opisyal ng tanggapan kahit magpalit ang political climate.
May maganda naman anyang relasyon ang PAO at si Duterte simula pa noong 2001.
Kumbinsido rin si Acosta na magsusugpo ang kriminalidad sa ilalim ng susunod na administrasyon
By: Drew Nacino