Sumailalim sa random drug testing ang nasa 92 tauhan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group sa Kampo Krame.
Ayon kay Senior Superintendent Leonardo Suan, Chief of Staff ng PNP-AIDG, ang hakbang na ito ay upang matiyak na walang gumagamit ng iligal na droga sa kanilang hanay lalo’t sila ang nagpapatupad ng batas laban sa bawal na gamot.
Giit ni Suan, bukod sa regular nila itong ginagawa ay mayroon din silang pinirmahang kasunduan nang pumasok sila sa nabanggit na tanggapan.
Paliwanag naman ni Suan, kapag nag-positibo sa paggamit ng iligal na droga ang isang pulis ay dadaan pa ito sa tinatawag na confirmatory test.
Masisibak o masasampahan ng kasong kriminal ang mga pulis na mapatutunayang gumagamit ng bawal na gamot.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal