Nag-overtime kagabi ang mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group upang maayos kahit papaano ang daloy ng trapiko.
Katunayan, sinabi ni PNP-HPG Director, Police Chief Superintendent Arnold Gunnacao, ang mga panggabing miyembro ng HPG na hanggang 11: 00 lamang ay nag-extend ng hanggang 3:00 ng madaling araw.
Pero, hindi tulad ng mga ordinaryong empleyado, walang overtime pay ang mga pulis.
Parte na umano ng kanilang trabaho ang pagsasakripisyo.
Ayon pa kay Gunnacao, nagdagdag na sila ngayon ng 20 tauhan na kasalukuyan nilang sinasanay upang ideploy din sa EDSA.
Ibig sabihin, 170 na ang bilang ng mga HPG na nagmamando ng trapiko sa mga choke point ng EDSA.
Plano na rin ng pamunuan ng HPG na hatiin ang kanilang mga miyembro sa tatlong shift.
By: Jelbert Perdez | Jonathan Andal