Inilipat na sa ibang lugar ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na may koneksiyon sa mga kandidato para sa 2022 national and local elections.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, inilipat na nila sa ibang lugar sa bansa ang mga pulis na mayroong kamag-anak o kuneksiyon upang matiyak na hindi sila makakaabala sa mismong araw ng botohan.
Hinimok ni Carlos ang kaniyang mga tauhan na kung mayroon silang kamag-anak na tumatakbo sa kahit ano mang posisyon ngayong election ay pansamantala munang liliban sa kanilang serbisyo.
Samantala, nirelieve naman sa posisyon ang mga tauhan ng PNP na hindi at nagdeklara hinggil sa nasabing usapin upang maiwasang maimpluwensyahan ang eleksiyon.