Umabot na sa 48,193 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 132 na bagong kaso.
Sa nasabing bilang ng COVID cases, nasa 1,607 ang aktibong mga kaso.
Pumalo naman sa 46,460 ang mga gumaling matapos makapagtala ng 122 new recoveries.
Habang nananatili sa 126 ang death toll sa hanay ng pambansang pulisya.