Tumaas ang mga natatanggap na tawag simula pa nuong isang linggo ng One Hospital Command Center (OHCC).
Ayon kay Dr. Bernadett Velasco, Operations Manager ng OHCC, nasa average na 300 calls kada araw ang natanggap nila nuong Hulyo mula sa dating 100 hanggang 120 daily calls nuong Hunyo.
Sa nakalipas na tatlong araw lamang, pumalo sa 600 ang average na bilang ng tawag kung saan 730 calls ang natanggap kahapon, Agosto 4.
Karamihan aniya ng mga tawag ay mula sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon bukod pa sa mga OFW na humihingi ng assistance para sa medical repatriation at iba pa.
Sinabi ni Velasco na pataas ang bilang ng mga tawag sa OHCC kaya’t nagkasa na sila ng surge capacity plan.