Pagkakataon na ng mga Taxi Operator at Driver na ibalik ang tiwala sa kanila ng mga commuter habang may kinakaharap na problema ang mga Transport Network Vehicle Service na Grab at Uber.
Ayon kay L.T.F.R.B. Chairman Martin Delgra, ito na ang tsansa upang patunayan ng mga taxi operator at driver na mali ang paniniwalang sila ay mga isnabero.
Ipinaliwanag ni Delgra na bahagi ito ng kompetisyon lalo’t inirereklamo na ng ilang operator at driver ang pagbaba umano ng kanilang kita dahil na-aagawan ng mga Uber at Grab ang kanilang mga pasahero.
By: Drew Nacino
Mga taxi driver may pagkakataon na ibalik ang tiwala ng mga pasahero was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882