Aminado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kulang ang mga bumibyaheng taxi at Transport Network Service Vehicles (TNVS) ngayong holiday season.
Ito’y sa gitna nang kalbaryong dinaranas ng mga commuter, lalo sa Metro Manila, bunsod ng christmas rush.
Ayon kay LTFRB Executive Director Roberto Paig, 18,142 lamang ang taxi units kahit mahigit 24,000 ang rehistrado at 8,427 TNVS units ang bumibyahe ngayong mag-pa-pasko.
Ipinanawagan anya nila sa mga operator na dagdagan ang kanilang mga unit at mag-hire ng karagdagang driver upang maibsan ang perwisyong dinaranas ng mga commuter sa paghihintay ng masasakyan.
Samantala, batay sa datos ng ahensya ngayong buwan pa lamang ay aabot na sa 177 formal complaints na ang kanilang natanggap sa ilalim ng oplan isnabero program pero wala pa sa kalahati ang nahuhuli.