Nasa 20 teachers at non-teaching personnel na ng Department of Education (DEPED) ang nag-reklamo hinggil sa unauthorized withdrawals mula sa kanilang payroll accounts sa land bank of the philippines.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition (TDC) Chairman Benjo Basas, pawang mga taga-Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at western visayas ang mga DEPED employee na nawalan ng pera.
Aabot anya sa 900 hanggang 200,000 pesos na halaga ng mga nawala mula sa mga teacher at non-teaching personnel.
Nilinaw naman ni basas na hindi nila sinisisi ang landbank bagkus ay humihiling sila ng imbestigasyon.
Samantala, inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang national bureau of investigation na tutukan ang kaso, partikular ang mga insidente ng phishing ng mga bank account.
Noong isang linggo ay naaresto ng NBI Ang dalawang Nigerian at tatlong Filipino na kasabwat umano sa pagnanakaw ng pera mula sa mga bank account ng nasa pitundaang depositors ng BDO Unibank.