Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang mayroong kulang na pisikal na aktibidad para sa mga teenagers.
Ayon sa pag-aaral na nakalathala sa the lancet child and adolescent health, 93.4 % ng mga Pilipino na may edad 11 hanggang 17 ay kulang sa pisikal na aktibidad.
Pilipinas din ang may hawak ng pinakamataas na bilang ng mga hindi tamang aktibidad ng mga teenage boys.
Ikinaalarma naman ng mga eksperto ang naging resulta ng pag-aaral at dahil dito ay nangangailangan na ng implementasyon ng mga polisiya para sa mas maraming aktibidad.
Bukod sa Pilipinas, kasama rin dito ang South Korea, Sudan at Cambodia.