Pinaghahanda ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga Telcos Company para sa magiging epekto ng Super Typhoon Henry.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordova, dapat magkaroon ng sapat na bilang ng teknikal, support at stand-by generators ang mga telcos para sa mabilis na panunumbalik ng kanilang serbisyo.
Kailangan din anilang maglagay ng dagdag sa gasolina, kasangkapan at iba pang kagamitan lalo na sa mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng bagyo.
Maliban sa kagamitan, pinagde-deploy din ng NTC ang mga telcos ng ‘libreng tawag at charging’ stations.
Paalala naman ng NCT sa mga Telcos na makipag-ugnayan sa mga lgus para sa pagpapatupad ng minimum health protocols.