Nangako ang dalawang higanteng TELCOS o Telecommunications Company na Globe at Smart sa DICT o Department of Information ang Communications Technology na aayusin at bibilisan ang kanilang serbisyo.
Ito ang inihayag ni DICT Secretary Rodolfo Salalima kasunod ng lumabas na pag-aaral na may pinakamabagal na internet service ang Pilipinas sa buong rehiyon ng Asya Pasipiko.
Kasunod nito, binigyan ng ultimatum ni Salalima ang dalawang higanteng TELCOS ng hanggang Setyembre para ganap nang maisaayos ang kanilang serbisyo partikular na ang mabilis na internet sa mga Pilipino.
Nagbabala naman ang kalihim sa dalawang TELCOS na papapasukin sa bansa ang third, fourth at fifth party operations sakaling mabigo ang Globe at Smart na tuparin ang kanilang pangako.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping