Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies na magsumite ng mga ulat sa isyu na naganap sa unang araw ng pagpaparehistro ng SIM card.
Ayon kay Ella Blanca Lopez, Deputy Commissioner ng NTC, may hanggang ngayong araw na lang ang mga telcos para magpasa ng kanilang report.
Nilalaman dapat ng dokumento ang mga insidente ng hindi kumpletong pagpaparehistro, platform na nakapaloob sa isyu, bilang ng mga subscribers na apektado, heograpikal na lugar, mga aksyong ginawa upang matugunan ang isyu at solusyon upang hindi na ito maulit pa.
Matatandaang nitong Martes nang sinimulan ng telcos ang pagpaparehistro ng SIM alinsunod sa mandato ng SIM Registration Act.
Gayunman, nakaranas ng isyu ang mga subscriber ng Globe at Smart sa kabila ng pagtitiyak ng mga kumpanya na handa silang tanggapin ang dami ng mga nagpaparehistro.