Inanunsyo ng mga Telecommunications Company na wala silang ipatutupad na signal shutdown sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay PLDT Smart Spokesperson Ramon Isberto at Globe Vice President for Corporate Communications Yoly Crisanto, wala namang abiso ang gobyerno na magkaroon ng signal shutdown sa rehiyon na apektado ngayon ng kaguluhan.
Sinabi ng mga opisyal ng globe at smart na tuloy ang kanilang operasyon sa kabila ng dineklarang Martial Law sa Mindanao.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina