Pinalawig ng mga telecommunication companies ang deadline sa pagbabayad ng bill ng kanilang mga postpaid customers.
Sa abiso ng PLDT, nagpapatupad na sila ng 30 araw na extension period para sa mga customers ng PLDT Home, PLDT Enterprise, Smart at Sun.
Ayon sa kumpanya, kanilang nauunawaan kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon ng mga bawat miyembro ng pamilya sa kasalukuyang panahon na nahaharap ang bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Una na ring nag-anunsyo ang Globe Telecom Inc., hinggil sa pagpapatupad ng katulad na 30 araw na payment extension sa kanilang postpaid customers para sa mobile at broadband services.
Sinabi ng globe na sakop nito ang kanilang mga subscribers na may billing due date na mula Marso 15 hanggang Abril 14, kasabay ng ipinatutupad na community quarantine period sa Metro Manila.