Inamin ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nakararamdam na siya ng pagkabalisa makaraang mapag-alaman na hinang ang kanyang mga telepono.
Ayon kay Morales, mayroon siyang phone message mula sa isang editor dalawang linggo na ang nakararaan pero may nakapagsabi sa kanya na noon pang mga nakalipas na taon ito ipinadala.
Magugunitang hinarang ang dating tanodbayan sa Hong Kong kahapon habang kasama ang mga anak at apo para magbakasyon.
Ang pagharang sa kanya sa Hong Kong ay isa anyang uri ng bullying lalo’t maaaring may kinalaman ito sa pagsasampa nila ng kaso ni dating foreign affairs secretary alberto del rosario laban kay Chinese President Xi Jinping.
isinampa nina Morales at Del Rosario ang kaso sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pang-ha-harass at pambu-bully ng China sa Pilipinas sa issue ng maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS).
Morales mas ginusto umanong umuwi kahit inalis na ang travel ban sa Hong Kong
Mas ginusto ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na umuwi kahit pa pinayagan itong makapasok sa Hong Kong tatlong oras matapos siyang harangin sa airport.
Ayon kay Germinia Aguilar-Usudan, deputy consul general ng Pilipinas, aalamin nila sa immigration office ng hongkong ang tunay na rason kung bakit hindi pinayagang makaspok si Morales sa nasabing Chinese territory.
Dakong ala sais kagabi nang bumalik ng Pilipinas Si Morales kasama ang kanyang mga anak at apo lulan ng Philippine Airlines flight.
Una nang inihayag ng mga immigration official ng Hong Kong na “security threat” ang dating tanod bayan kaya’t hindi ito pinayagang makapasok sa kanilang bansa.