Ligtas namang narating ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampo ng 103rd Brigade ng Philippine Army sa bayan ng Butig, lalawigan ng Lanao del Sur.
Ito’y sa kabila ng panganib na nakaamba laban sa kanya bunsod ng nangyaring pag-atake sa convoy ng kanyang advance party sa Marawi City na ikinasugat ng 7 miyembro ng Presidential Security Group o PSG.
Una munang binisita ng Pangulo ang mga Cagayan de Oro City kung saan nagpapagaling na ngayon ang mga sugatang sundalo.
Sa kanyang pagharap sa tropa ng militar, sinabi ng Pangulo na hindi niya maunawaan kung bakit nag-aaway-away ang mga Pilipino gayung iisa lamang ang lahi nito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasunod nito, bagama’t sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng giyera, nagbabala ito sa Maute Group kung hindi titigil sa kanilang paghahasik ng lagim.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Umapela ang Pangulo sa publiko na tumulong upang mapanatili ang kapayapaan partikular na sa Mindanao na matagal nang nilalapastangan ng digmaan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)