Kinumpirma ng AFP o Armed Forces of the Philippines na may mga teroristang humalo sa mga nagsilikas na sibilyan mula sa Marawi City.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla ay bunsod ng pagkaka-aresto kay Mohamad Noaim Maute alyas Abu Hadid, ang bunso sa pitong magkakapatid na Maute na sumabay sa mga bakwit mula Marawi patungong Cagayan De Oro City.
Ayon kay Padilla, posibleng may kasama pa itong terorista na humalo rin sa mga bakwit na ngayo’y nagtatago sa mga evacuation center sa Cagayan de Oro City kaya’t nagpapatupad sila ng mahigpit na profiling o pagsusuri sa pagkakakilanlan ng mga bakwit.
Nagbabala naman ang Eastern Mindanao Command na asahan pang mas darami ang maaaresto sa mga susunod na araw partikular na iyong mga taong nasa listahan ng mga ipina-a-aresto sa ilalim ng Martial Law Order Number 1.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal