Nagpapatayan na umano ang mga terorista sa loob ng Marawi City.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez, may natanggap silang impormasyon na pinatay ng Maute Group ang ilang miyembro nilang gusto nang tumakas sa lungsod.
Batay anya ito sa kwento ng mga miyembro ng Maute na dinampot ng militar at ligtas na nakatakas mula sa mga kapwa nila terorista.
Kwento umano ng mga nadampot nilang bandido, ayaw nang lumaban ng ilan sa kanilang kasamahan.
Ayon kay Galvez, posibleng hindi inasahan ng ilang terorista na aabot sa ganito katagal ang gulo sa marawi o di kaya’y hindi naibigay ang ipinangakong pera sa kanila para sa gyerang ito.
By Len Aguirre