Aminado ang sandatahang lakas ng Pilipinas na magiging malaking problema para sa mga sundalo na nakikipagbakbakan sa Marawi kung magpapasya ang Korte Suprema na iligal ang pagdideklara ng batas militar sa Mindanao.
Ito ang reaksyon ni AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipu-pull out nito ang mga sundalo sakaling kontrahin ng high tribunal ang kaniyang idineklarang martial law sa nasabing rehiyon.
Giit ni Padilla, kinakailangan na nilang pumila sa Mga korte para humingi ng search warrant sa oras na bawiin ang martial law na siyang magiging dahilan para maantala ang kanilang operasyon.
Tiyak din aniyang lalakas ang puwersa ng mga kalaban dahil tali na ang kamay ng mga sundalo at kanila nang ipauubaya ang law enforcement sa pulisya at lokal na pamahalaan.
By : Jaymark Dagala