Pursigido ang mga teroristang grupo sa iba’t ibang panig ng mundo na maglunsad ng panibagong pag-atake na katulad ng World Trade Center Twin Tower attack sa New York, sa U.S.A., noong September 11, 2001.
Ayon kay US Secretary of Homeland Security Elaine Duke, nagkakaisa ang ISIS, Al-Qaeda maging ang iba pang Islamic radical group na ulitin ang pinaka-matinding terrorist attack sa kasaysayan na ikinasawi ng 3,000 katao.
Nananatili anyang matindi ang banta ng mga nasabing grupo na gumagamit ng maliliit na pag-atake upang mapanatiling nakatutok sa Jihad ang kanilang mga miyembro.
Hindi rin tinitigilan ng mga terorista ang pagpapakalat ng mga propaganda sa internet upang makahikayat at makapag-recruit sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang pa rin sa mga tinututukan ang mga malalaking lungsod sa Britain, France, Germany at Italy maging sa ilang panig ng Asya gaya sa Singapore at Pilipinas.