Kumpiyansa ang AFP o Armed Forces Of The Philippines na bibigay na anumang araw ang mga teroristang Maute na nagkukuta ngayon sa Marawi City.
Ito’y makaraang kumpirmahin sa DWIZ ni WESTMINCOM o Western Mindanao Chief Lt/Gen. Carlito Galvez na nagpapatayan na umano ang mga terorista na naiwan sa lungsod.
Posible aniya kasi na hindi inaasahan ng mga nasa Marawi na tatagal ang bakbakan o di kaya’y hindi naibigay ang ipinangakong pera sa kanila.
Dahil dito, malaki na rin ang posibilidad ayon kay Galvez na inabandona na ng tinaguriang ISIS Emir at Abu Sayaf Leader na si Isnilon Hapilon ang kaniyang mga tauhan na nakikipag-bakbakan sa tropa ng military.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Mga teroristang nakikipagbakbakan sa Marawi inabandona ni Isnilon Hapilon was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882