Nakakatanggap na ng banta sa kanilang buhay ang mga testigo sa pagpaslang sa 17 anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon ito sa NBI kasabay nang pag aming hirap silang makakuha ng mga impormasyon at testimonya sa crime scene sa Barangay 120 sa Caloocan City hinggil sa pagpatay sa Grade 11 student.
Sinabi ng NBI na tumatanggi na ang mga nasabing testigo na magbigay ng dagdag pang impormasyon sa nasabing kaso.
By: Judith Larino
SMW: RPE