Pinahina umano ni retired SPO3 Arthur Lascañas ang kredibilidad niya bilang testigo nang binawi niya ang nauna na niyang sinumpaang salaysay.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo na hindi kapani-paniwala ang testimonya ni Lascañas kung saan pinalalabas niyang malapit sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa’t isa noon.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo sa DWIZ
Ayon kay Panelo, bukod sa hindi na credible witness si Lascañas, napaka-incredible din ng mga bago niyang pahayag.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo sa DWIZ
Sinabi ni Panelo na hindi pinilit si Lascañas noong una siyang nagbigay ng testimonya kaya tila nagpagamit lang siya sa mga may balak na pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
Kumpiyansa ang Presidential Chief Legal Adviser na may destabilization plot na matagal nang hinahangad ng mga nais sirain ang Pangulo.
Pakingan:Bahagi ng panayam kay Presidential Chief Legal Adviser Attorney Salvador Panelo sa DWIZ
By: Avee Devierte