Mabenta na ang mga tikoy, prutas at mga lucky charm sa Ongpin o Manila Chinatown Sa Binondo, Maynila.
Ayon sa mga manininda, naglalaro sa P100 hanggang P500 ang iba’t ibang flavor ng tikoy.
Habang ang prutas na bilog gaya ng kiat-kiat ay mabibili sa P50- P100 kada kilo; P150- P250 naman ang kada kilo ng ubas; P100 ang tatlong piraso ng orange at nasa P10 – P20 kada piraso ng Ponkan.
Naglalaro rin sa P100- P300 ang lucky charm kada piraso, depende pa ito sa quality.
Samantala, pinaiiral na ng Manila Police District ang pagbabantay sa Maynila upang matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo sa Ongpin at sa bahagi ng Binondo. – sa ulat mula kay Aya Yupangco ( Patrol 5 )