Mahigit 52 million na katao na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo at halos halos nasa 1.3-M na ang binawian ng buhay.
Base sa pagtaya ng Reuters, naiulat ang mga kaso ng impeksyon sa mahigit 210 na mga bansa simula nang maitala ang unang virus infection sa China noong December 2019.
Pasok sa top five countries na may mataas na kaso ng COVID-19, ang United States na mayroong 242,982 deaths at nasa mahigit 10-M virus cases, na sinundan ng India na may 128,668 deaths out of 8,728,795 cases; Brazil- 164,281 deaths out of 5,781,582 cases; France – 42,960 deaths out of 1,898,710 cases; at Russia na may 32,032 deaths out of 1,800,000 cases.
Habang nasa kabuuang 406,337 infection cases ang naitala sa Pilipinas na mayroong mahigit 363,068 total recoveries at 7,791 total deaths.