Naitala ang 26 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 18,416 na ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa 94 mga bansa.
Sa naturang bilang, 5,980 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 11,289.
Sa kaparehong datos, nanatili pa ring nasa 1,147 na mga Pilipinong nasa ibayong dagat ang nasawi dahil sa virus.