Lumobo na sa kabuuang 313 ang bilang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ng PCG, sinabi nito na naka-assign sa strategic areas ang mga tauhan nito na dinapuan ng nakamamatay na virus.
Ibig sabihin, ang mga tauhang ito ang mga kumakalinga at nagsisiguro sa kaligtasan ng mga returning OFW’s at mga LSI’s o locally stranded individuals at iba pa.
Dahil dito, agad na inatasan ni PCG Commandant, Vice Admiral George Ursabia Jr. ang task force bayanihan, na siguraduhing nai-pull out na ang lahat ng mga nag-positibong pcg personal sa kani-kanilang assignment.
Tiniyak din ni Ursabia, na kanilang bibigyan ng medical assistance ang mga tauhan nila at iba pang tulong para sa agarang paggaling ng mga ito.
Samantala, sa pinakahuling datos, 83 na ang nag-negatibo sa hanay ng mga pcg na tinamaan ng COVID-19.