Nasa halos 1,000 na ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa tala ng PNP, nadagdagan pa ng panibagong 39 ang COVID-19 cases sa kanilang hanay, dahilan para sumampa na sa 981 ang kabuuang kaso nito.
Nananatili naman sa siyam ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.
Sa kabila nito, 10 pang PNP personnel ang naka-recover na mula sa virus, kaya’t nasa kabuuang 429 na ang bilang ng mga gumaling.
Nakapagtala naman na ang PNP ng 659 probable cases, at 1,258 suspect cases (as of July 8).
Patuloy naman ang paalala ng PNP sa kanilang mga tauhan na kaagad na dumulog sa PNP Health service kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19.