Pumalo na sa kabuuang 332 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Western Visayas.
Ang bilang ay inilabas ng health department ng Western Visayas matapos na madagdagan ng walo pang panibagong kaso ng nakamamatay na virus ang rehiyon.
Sa nasabing bilang, 182 sa mga ito ang mga active cases, habang pito naman ang nadagdag sa mga gumaling sa virus, kaya’t may kabuuang 139 na ang naka-recover sa COVID-19.
Nanatili namang nasa 11 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng COVID-19.
Samantala, ayon pa sa health department ng Western Visayas, kasalukuyang nasa quarantine facility ang walong panibagong kaso ng COVID-19 habang nagpapagaling pa ang mga ito.