Walo pang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 variant ang na-detect o natuklasan sa ilang lugar sa Pilipinas.
Dahil dito, umakyat na sa 25 ang bilang ng mga tinamaan ng bagong strain sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), tatlo sa mga bagong kaso ng B.1.1.7 variant ay mula sa Bontoc, Mountain Province; dalawa sa La Trinidad, Benguet; at pawang returning overseas Filipinos ang dalawang iba pa.
Sinasabing ang isa pang dinapuan ng bagong variant ay isang 35-anyos na lalaki mula Liloan, Cebu.
Una nang ibinabala ng OCTA Research Group na mayroon nang local transmission sa Cebu City dahil sa paglobo ng infection rate sa naturang lungsod.