Patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y batay sa inilabas na resulta ng Department of Health (DOH), UP-Philippine Genome Center at UP National Institutes of Health, na nakapagtala ng mahigit 200 bagong kaso ng B.1.1.7 o UK variant, sinundan ng 351 sa B.1.351 at 25 namann sa P.3.
Base sa tala ng UK variant, 11 returning overseas filipinos (ROF), 188 ang local cases at 67 naman ang inaalam pa kung balikbayan o hindi.
Sa naturang bilang, walo sa kanila ang namatay, 204 ang nakarekober habang 54 ang patuloy na nagpapagaling.
Bukod dito, sa South Africa variant, 15 ang returning overseas Filipino, 263 ang local cases habang nasa 73 naman ang inaalam pa.
Nasa 54 ang aktibong kaso ng South Africa variant, apat ang namatay habang 293 ang mga nakarekober sa sakit. —sa panulat ni Rashid Locsin