Nais nang kontrolin ng pambansang pulisya ang lahat ng tindahan na nagbebenta ng mga uniporme ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang mapatay ang limang hinihinalang kidnapper sa San Pablo, Laguna na nagpanggap na mga pulis dahil sa suot nilang uniporme kung saan, may nakatahi pang ranggo at pangalan duon.
Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa, balak nilang lagyan ng serial number ang lahat ng uniporme ng mga pulis lalo’t maluwag itong nabibili maging ng mga rebeldeng NPA.
Sa panig naman ng Directorate for Research and Development ng PNP, sinabi ni Director Efren Perez na kanilang pinag-aaralan ang kasalukuyang mga patakaran upang masolo ng PNP ang pagbebenta at pamamahagi ng mga uniporme.