Pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ang lahat ng tindahan ng paputok sa Bocaue Bulacan.
Ayon kay Mayor Jonie Villanueva, mananatiling sarado ang mga tindahan ng paputok habang nirerebisa nila ang mga panuntunan at upang hindi na maulit ang pagsabog sa isang bodega ng paputok.
Sa ngayon aniya ay kumukuha sila ng mga suhestyon mula sa mga nasa industriya ng paputok kung ano ang kanilang alternatibo sakaling tuluyang ipatupad ang total ban sa paputok.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Jonie Villanueva
Nagpahayag ng pag-asa si Villanueva na ikukunsidera ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kabuhayan ng libu-libong mamamayan ng Bulacan na naka-depende ang kabuhayan sa paggawa at pagbebenta ng paputok.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Jonie Villanueva
By Len Aguirre | Karambola