Isiniwalat ng Office of the United States Trade Representative (USTR) na naging “mas matapang” sa paglalako ng paninda ang mga nagbebenta ng pekeng produkto sa Greenhills Shopping Center sa Lungsod ng San Juan.
Batay sa USTR’s 2021 Review of Notorious Markets for Counterfeiting and Piracy, maraming tindahan sa nasabing shopping complex ang nagbebenta ng pekeng produkto tulad ng relo, mga pabango, sapatos at iba pang fashion items.
Sa kabila nito, kinilala pa rin ng USTR ang Gobyerno ng Pilipinas na gumagawa ng ilang mga hakbang para matugunan ang kalakalan ng mga pekeng produkto kabilang na rito ang paglagda ng bansa sa ilang kasunduan sa iba’t ibang mga institusyon tulad ng international trademark association at asia video association.