Umaasa ang mga tindero sa palengke sa Maynila, na magiging maganda ang kalalabasan ng dayalogo sa pagitan ng mga tindero at ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Iginiit ni Jojo Apalaña, kinatawan ng mga market vendor na hindi sila natatakot kung sila ay aarestuhin, at kanilang itutuloy ang protesta, upang iparating sa kinauukulan ang kanilang mga panig.
Nanawagan din si Apalaña na kung maari ay ipaubaya na sa mga tindero ang palengke at ang ibigay nalang sa mga investor ay ang ikalawa o higit pang palapag, dahil tiyak na maapektuhan ng pagsasapribado, ang singilin sa palengke.
“Yung pag develop na yan pwede naman ng 2nd floor, 3rd floor o 4th floor sa investor. Yung pinagbawian po nyan, tataas ang aming permit, bayarin, magkakaroon na kami ng charges sa tubig, sa gwardya at sa basura,” paliwanag ni Apalaña
By: Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)