Nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-aaresto niya sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga umano’y tiwaling opisyal ng Ombudsman na hindi dadalo sa imbestigasyon laban sa mga ito.
Giit pa ng Pangulo, walang lalabaging probisyon sa Saligang Batas ang gagawin nitong pagpapa-imbestiga sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isyu ng korapsyon.
Maliban dito, sinabi pa ng Pangulo na ilang beses na siyang nabiktima ng maling akusasyon at imbestigasyon ng Ombudsman.
Matatandaang nakatakdang imbestigahan ng Ombudsman ang mga tagong yaman umano ni Pangulong Duterte na nag-ugat dahil sa mga alegasyon ni Senador Antonio Trillanes.