Posibleng tuluyan nang masibak sa puwesto ang mga tiwaling tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na nahuling nangingikil ng pera sa isang dinakip na suspek, ngayong buwan ng Marso.
Ito ang inihayag ni PDEA Chief Aaron Aquino bilang bahagi ng kanyang ginagawang paglilinis sa kanilang hanay.
Ayon kay Aquino, umabot na sa 21 tauhan ng PDEA Region 4-A o CALABARZON ang kanyang tinanggal sa puwesto at maaari pa aniya itong madagdagan.
Ang ilan din aniya sa mga tauhan ng PDEA Region 4-A ang kanyang inilipat sa ibang units sa Luzon.
Magugunitang tinanggal sa puwesto ang hepe ng PDEA Region 4-A at 61 mga tauhan nito matapos na makatanggap ang ahensya ng reklamo sa umano’y iligal na pag-aresto at pangingikil sa mga naaresto at pag-isyu ng mga pekeng ID.
—-