Hiniling ni House Committee on Transportation Chairman at Samar Rep. Edgar Sarmiento sa mga TNVS o Transport Network Vehicle Services na itigil na nila ang paghahatid ng mga package.
Iginiit ni Sarmiento sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na ito’y dahil sa ilang insidente na rin na nagiging courier ng iligal na droga ang ilang driver partners ng mga TNC’S tulad ng Uber at Grab.
Umaabot aniya sa 2.7 Milyong Piso ang kita ng mga TNVS mula sa iligal na droga kaya’t hindi na nakapagtataka na ito na ang ginagawang paraan ng mga drug lord na maihatid ang kanilang kontrabando sa mga parokyano.
Matatalino na aniya ngayon ang mga nasa likod ng illegal drugs dahil ginagamit din anila ito para ilihis ang atensyon ng publiko gayundin ng mga otoridad sa mas malalaking transaksyon.