Lalo pang pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbabantay sa mga tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, nagdagdag na sila ng puwersa sa mga tinuturing nilang high risk areas sa Mindanao upang mapigilan ang anumang pambobomba ng mga armadong kalalakihan sa mga tower ng kuryente na siyang dahilan kung bakit madalas ang brownout sa ilang bahagi ng Mindanao.
Paliwanag ni Padilla, sinasadya talaga ng mga salarin ang pambobomba dahil bigo silang makapangikil at upang takutin ang mga negosyante na magbigay sa kanila ng pera.
Binigyang-diin ng opisyal na isa itong uri ng economic sabotage at ang pakay ng mga suspek ay para ibuntong ng publiko ang sisi sa gobyerno sa problema sa kuryente.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal