Nabawasan ang bilang ng traffic violations sa mga lugar na sakop ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Quezon City.
Ayon kay Assistant City Atty. Carlo Austria, na nangangasiwa ng NCAP sa lungsod, natapyasan ng 80% ang traffic violations sa mga lugar na sakop ng nasabing polisiya.
Mas naging ligtas anya ang mga kalsada sa Q.C. dahil batid ng mga tao na mahuhuhli sila kung lalabag sa batas trapiko.
Batay anya sa kanilang datos, wala pang isang buwan ay mahigit 11K traffic violations na ang naitala simula nang ipatupad ang NCAP sa Quezon City noong July 1.
Karamihan sa paglabag ay Disobedience to Traffic Control Signals.