Naka-full alert na rin ang lahat ng Railway Station sa buong bansa matapos ang pambobomba sa Davao city.
Nanawagan din ng pang-unawa at kooperasyon mula sa publiko si Transportation Undersecretary For Rails Noel Kintanar.
Ayon kay Kintanar, dapat isumbong ng mga pasahero ang anumang kahina-hinalang galaw sa mga istasyon.
Ito ang inihayag ng opisyal matapos maghigpit ng seguridad ang kagawaran sa mga paliparan at pantalan upang maiwasan ang panibagong terrorist attack.
Tinututukan ng DOTR ang seguridad sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit lines 1 at 2; Metro Rail Transit-3 at Philippine National Railways.
By: Drew Nacino