Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pagbabawal sa mga sundalong transgender na magsilbi sa US military maliban na lamang sa ilang kondisyon.
Ayon sa pahayag ng White House, maaaring maging banta sa pagiging epektibo ng kanilang US military ang mga sundalong may gender dysphoria.
Kanila ring iginiit na makatutulong ang nasabing bagong polisiya para sa mas mahusay na mental at physical health standards ng mga papasok sa US military.
Magugunitang, una nang inihayag ni Trump ang kanyang planong ipagbawal sa US military ang mga miyembro ng LGBT noong nakaraang taon.
—-