Nananawagan ng formal dialogue ang iba’t-ibang transport group kay bagong Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairperson Cheloy Garafil upang ma-plantsa ang mga issue sa sektor.
Isa sa mga hirit ng mga transport group ang bigyang-linaw ang mga rekomendasyong inilatag ng Department of Transportation.
Kabilang ang Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas (LTOP) sa mga humihiling sa LTFRB Na ibalik ang kanilang mga dating ruta na ipinatigil dahil sa rationalization.
Sa forum ng Liga ng mga Broadcaster sa Pilipinas, inihayag ni LTOP National President Orlando “Ka Lando” Marquez na dapat harapin nang maayos ng bagong liderato ng LTFRB Ang ilang kinakaharap na hamon sa transport sector.
Gayunman, aminado si Garafil na hindi pa nila masusing napag-aaralan ang hiling na ibalik ang mga dating ruta ng iba’t-ibang transport group, lalo sa pagbabalik ng face to face classes sa Agosto.