Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga transport group na tutol pa rin sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Ayon kay Pangulong Duterte, tiyak na may kalalagyan ang mga transport group na hindi susunod sa batas dahil wawasakin niya ang mga sasakyan ng mga ito.
Maka-ilang beses ng naglunsad ng tigil-pasada ang mga grupong PISTON at Stop and Go Coalition bilang protesta sa PUV modernization program.
“Itong PISTON na hindi daw sila magsunod, ganito raw, sabi ko sige, subukan natin, because I’m preparing the Armed Forces and the police to buy rubber bullets and prepare for their truncheon and hihilahin ko talaga kayo. I don’t care if we go into a turmoil, that is what I like, I tried my best in a turmoil, talagang guguyurin ko yang mga sasakyan ninyo, the law is the law is the law, sabi nga ninyo Duterte follow the law” -Pahayag ni Pangulong Duterte
Iginiit ni Pangulong Duterte na mahalaga ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan upang maiwasan ang polusyon sa hangin lalo sa Metro Manila na kadalasang nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit.
“ Itong bagong modernization, look guys we all know that we are being killed almost everyday slowly, kita mo namang fumes sa, and you should see Manila are at sunset, makita mo its not a mist actually, its very hot today, but makita mo yang mist its almost floating over the city, those are fumes, carbon dioxide”. -Pahayag ni Pangulong Duterte